Twice to beat dinagit ng Eagles
MANILA, Philippines - Ang naunang dikitang laro ay nauwi sa 70-56 dominasyon ng Ateneo nang nawala ang National University sa second half sa 75th UAAP men’s basketball kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nagbuhos ng 14 puntos sa second half si Greg Slaughter upang manalo sa tagisan nila ni 6’7 Bulldogs center Emmanuel Mbe para bitbitin ang Ateneo sa 11-2 karta at selyuhan ang mahalagang twice-to-beat advantage sa Final Four.
Anim na puntos ang ginawa ng 7-foot center sa ikatlong yugto na inangkin ng Eagles, 25-12, upang ilayo ang sarili sa 56-42, matapos mapag-iwanan sa halftime sa 31-33.
May walo pa si Slaughter para ‘di pabangunin pa ang Bulldogs na kasalo uli ang La Salle sa mahalagang ikaapat na puwesto sa 7-5 baraha.
“The credit goes to the players for following our game plan,” wika ni coach Norman Black na kumuha rin ng tig-14 puntos kina Kiefer Ravena at Nico Salva.
Ang malakas na depensa ng Eagles ay nagresulta para sa 23 turnovers ng Bulldogs na naging 29 puntos ng Eagles na siyang seson-high sa turnover points.
May 19 puntos si Mbe pero 15 rito ay ginawa sa first half habang si Bobby Ray Parks Jr. na gumawa ng 32 puntos sa huling napanalunang laro laban sa Archers ay nagtala lamang ng 11 puntos mula sa 5-of-17 shooting.
Tumabla rin ang FEU sa UST sa ikalawang puwesto gamit ang 67-63 panalo sa UP sa unang laro.
Ang kabiguan ay ika-12 ng Maroons matapos ang 13-laro para sa 9-3 baraha.
(Angeline Tan)
ADMU 70 - Slaughter 70, Salva 14, Ravena 14, Tiongson 6, Elorde 5, Buenafe 3, Sumalinog 2, Golla 2, Chua 2, Pessumal 0, Gonzaga 0.
NU 56 - Mbe 19, Javillonar 15, Parks 11, De Guzman 5, Rosario 2, Khobuntin 2, Alolino 2, Villamor 0, Rono 0, Betayene 0.
Quarterscores: 16-17, 31-33, 56-45, 70-56.
- Latest
- Trending