^

PSN Palaro

Ginulat ang lady troopers isa na lang sa rising suns

- ATan - The Philippine Star

 Laro Bukas

Ninoy Aquino Stadium

4 pm Sandugo-SSC

vs Ateneo

6 pm Cagayan

vs Philippine Army

MANILA, Philippines - Humakbang ang isang paa ng baguhang Cagayan Valley patungong finals nang gulatin ang nagdedepensang Philippine Army, 25-20, 25-15, 25-20, sa pagbubukas kahapon ng Shakey’s V-League Open semifinals kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Nawalang-saysay ang tangan na karanasan ng Lady Troopers sa mas determinadong Rising Suns upang hawakan ang mahalagang 1-0 kalamangan sa best of three semifinals series sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Si Thai import Kunbang Pornpimol ay may 18 hits mula sa 15 kills at 3 blocks at siya ang umarangkada sa second sets na kung saan humabol ang Caga­yan mula sa 8-12 iskor para hawakan ang 2-0 ka­lamangan.

May 12 puntos pa si Sandra Delos Santos na nilakipan ng tatlong service aces habang may 11 hits si Honey Royse Tubino kasama ang 10 attacks.

Nangapa sa porma ang nagdedepensang kampeon sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa dahil walang ni-isang manlalaro ang nakadoble-pigura sa larong tumagal ng isang oras at 18 minuto.

Sina Rachel Ann Daquis, Jacqueline Alarca at Joanne Bunag ay may tig-8 hits para sa Army Ladies na ininda rin ang pagkakaroon ng 18 errors.

Sa pangyayari, kaila­ngan ngayon ng Army Ladies na manalo ng dalawang sunod para manati­ling buhay ang hangaring mapanatili pa ang titulo sa kanilang poder.

vuukle comment

ARMY LADIES

CAGAYAN VALLEY

HONEY ROYSE TUBINO

JACQUELINE ALARCA

JOANNE BUNAG

KUNBANG PORNPIMOL

LADY TROOPERS

LARO BUKAS

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with