^

PSN Palaro

2 korona sa NCAA beach volley tinuhog ng Perpetual Help

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi pa rin natitinag ang Perpetual Help sa wo­men’s beach volleyball nang kunin uli ang kam­peo­nato sa 88th NCAA sea­son.

Walang epekto ang de­sisyon na laruin ang torneo sa Boardwalk sa Subic Bay Freeport noong Sabado’t-Linggo nang pataubin ng Lady Altas ang San Sebastian Lady Stags sa one-game finals sa 21-13, 21-18, straight sets.

Doble ang selebras­yon ng Perpetual Help dahil nagtagumpay din ang men’s team na makuha ang panalo sa men’s division nang padapain ang Letran Knights sa 21-17, 30-28, iskor.

Si Miguel Rafael ang coach pa rin ng koponan at hinirang bilang Coach of the Year habang ang 19-anyos na si Diaz ang siyang pinarangalan bilang Most Valuable Player.

Ang beteranong si Jay Dela Cruz ang siyang hinirang bilang MVP sa kalalakihan habang ang national coach na si Sinfronio “Sammy” Acaylar ang hinirang na Coach of the Year.

ACAYLAR

COACH OF THE YEAR

JAY DELA CRUZ

LADY ALTAS

LETRAN KNIGHTS

MOST VALUABLE PLAYER

PERPETUAL HELP

SAN SEBASTIAN LADY STAGS

SI MIGUEL RAFAEL

SUBIC BAY FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with