Miller malaki ang maitutulong sa Global Port
MANILA, Philippines – Sa pagdating ni two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller sa Global Port, may makakahati na sa produksyon si Gary David.
“Kapag sabay silang pumutok, malaki ang chance namin, parehong matibay ang puso,” sabi ni interim coach Glenn Capacio kina Miller, nasangkot sa isang five-team trade noong nakaraang linggo, at David.
Kumpiyansa rin si Global Port owner Mikee Romero na malaki ang maitutulong ni Miller sa kampanya ng Batang Pier sa darating na 2012 PBA Philippine Cup.
“We now have a very competitive team so it’s just a matter of blending. I just hope coach Glenn can find the right chemistry for the team in time for the conference,” ani Romero. “Besides, Miller is out to prove something, so we’ll give him the support he needs.”
Hindi pa dumadating si Miller mula sa kanyang dream vacation sa Europe.
Nakamit ng 5-foot-10 na si Miller ang kanyang unang MVP trophy sa koponan ng Red Bull noong 2002 at ang kanyang ikalawa noong 2006 para sa Alaska.
Ayon kay Capacio, malaki pa ang maitutulong ng 35-anyos na si Miller sa Global Port sa susunod na dalawang taon.
“Matibay pa si Willie, di naman siya prone sa injuries so I think matagal pa kaming magsasama sa team niyan,” sabi ni Capacio. “Definetely, he will play a big role in the team.”
Ang 11-time All-Star na si Miller ay nagtala ng mga averages na 20.7 points, 5.1 assists at 4.7 rebounds sa 2007-08 season.
Bago naglaro sa Barako Bull ay nagmula muna si Miller sa Ginebra kung saan niya nakaagaw sa playing time sina 2008 MVP Jayjay Helterbrand at 2012 MVP Mark Caguioa.
- Latest
- Trending