Pinoy woodpushers rumesbak sa Iceland
MANILA, Philippines – Pinayukod ng Philippine men’s team ang Iceland, habang tinalo ng women’s squad ang South Africa mula sa magkatulad nilang 3-1 panalo para makapasok sa top 10 sa fifth round ng World Chess Olympiad sa Istanbul, Turkey.
Ang mga panalo nina Grandmasters Oliver Barbosa at Mark Paragua sa boards two at four ang naging susi sa tagumpay ng men’s squad laban sa Iceland.
Kinuha ni Barbosa ang panalo sa likod ng kanyang 35-move victory sa isang Bogo-Indian duel nila ni GM Henrik Da-nielsen, samantalang isang 48-move win sa kanilang Slav encounter ni IM Dagur Arngrimsson ang itinala ni Paragua.
Nakipag-draw naman si GM Wesley So kay GM Hannes Steffanson sa 31 moves ng isang super-sharp Sicilian showdown.
Nakihati rin ng puntos si GM Eugene Torre mula sa isang 34-move kay GM Throstur Thorallsson para sa kanyang unang laro sa torneo.
Ang paglalaro ng 60-anyos na si Torre ang humirang sa kanya bilang chesser na may pinakamaraming Olympiad appea-rances sa bilang na 21 na lumampas sa 20 ni Hungarian GM Lajos Portisch.
Ibinigay naman nina Woman International Master Catherine Perena at Jedara Docena ang mga panalo para sa women’s team sa boards one at three.
Iginupo ni Perena si WGM Melissa Greef sa 46 moves ng isang Petroff game at binigo ni Docena si WIM Denise Frick sa 36 moves ng isang Double King’s Pawn game. Isang draw ang naitulak nina Frayna at Fronda sa kanilang laro nina WIM Cecile Van der Merwe at Woman FIDE Master Tshepang Tlale, ayon sa pagkakasunod.
- Latest
- Trending