^

PSN Palaro

Vallares, Tindahan sibak na sa Taiwan slugfest

- The Philippine Star

TAIPEI--Matapos manalo ng apat sa Day One, dala­wang kabiguan naman ang nalasap ng PLDT-ABAP national boxing team sa Day Two ng Taipei City International Boxing Tournament sa Taiwan Coliseum dito.

Nagtala ng panalo si Maricris Igam sa women’s light­weight class matapos kunin ang 10-4 panalo laban kay Shinetsetseg Davaasuren ng Mongolia

Inangkin naman ni Irish Magno ang kanyang ikalawang sunod na tagumpay sa flyweight class nang igupo si Trin Thi Dem Kieu ng Vietnam, 16-6.

Ang kanyang pangalawang dikit na pananaig din ang nakamit ni Mario Fernandez nang talunin si Aboriginal Taiwanese Wei-Chieh Lin, 11-9, sa bantamweight category.

Ngunit matapos ito ay dalawang local bet ang nakatikim ng pagkatalo.

Nabigo si lightweight Janice Vallares kay Vietnam bet Le Thi Bang, 7-10.

Natalo rin si lightweight Darwin Tindahan kay Japanese Kenji Fujita, 17-7.

Bukod sa Pilipinas, ang iba pang kasali sa torneo ay ang host Taipei , Aboriginal Taiwanese, Japan, Mongolia, Indonesia, Vietnam, Korea, Singapore, Kazakhstan, Malaysia, Hongkong at Macau.

ABORIGINAL TAIWANESE

ABORIGINAL TAIWANESE WEI-CHIEH LIN

DARWIN TINDAHAN

DAY ONE

DAY TWO

IRISH MAGNO

JANICE VALLARES

JAPANESE KENJI FUJITA

LE THI BANG

MARICRIS IGAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with