^

PSN Palaro

Batang Pier 'di basta-basta magpapatalo - Cardel

- RMP - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Ang ipagpatuloy ang naiwang pamana ng Harbour Centre sa amateur ranks ang misyon ng Glo­bal Port Batang Pier sa kampanya nito sa darating na 38th season ng Philippine Basektball Association. 

Ito ang sinabi ni assistant coach Johnedel Cardel kasama ang manlalarong si James Martinez.  

“Kilala naman natin si Boss Mikee, hindi magpapatalo ‘yan,” wika ni Cardel sa may-ari ng Sultan 900 na si Mikee Romero. 

“Bilin sa amin ni Boss Mike huwag naman madaliin ang proseso. Konti-konti lang muna. Meaning in this, our rookie year, we could probably be aiming just to advance into the quarterfinal round because although the team is the nucleus of the Powerade team, iba na ang atmos­phere at marami pa ang dapat baguhin,” anang dating manlalaro ng Alaska Milk.

Para palakasin ang koponan, sinabi ni Cardel na nakahanda na ang proseso ng recruitment para sa free agency market at maging sa trade.

Pangungunahan ni Gary David, ang two-time scoring leader ng PBA, ang Global Port bukod pa kina Jayvee Casio, James Martinez, Romel Adducul, William Antonio, Ricky Calimag, Francis Allera at Rabeh Al Husain.

Gaya ng mga dating Tigers, makakatulong din sa kampanya ang mga beteranong sina Rey Guevarra, Jondan Salvador, Josh Vanlangdingham at Val Acuna ng B-Meg.

Kasama rin sa line up sina rookie Vic Manuel, Fil-Dutch Jayson Deustman at Fil-Am AJ Mandani.

ALASKA MILK

BOSS MIKE

BOSS MIKEE

FIL-DUTCH JAYSON DEUSTMAN

FRANCIS ALLERA

GARY DAVID

GLOBAL PORT

HARBOUR CENTRE

JAMES MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with