^

PSN Palaro

Gilas 2 pinaghandaan ang SoKor ngayon

- The Philippine Star

TAIPEI-- Isang hard practice ang ginawa ng Smart Gilas Pilipinas II para paghandaan ang South Korea sa 34th Jones Cup ngayon sa TPEC Gymnasium.

Maghaharap ang Nationals at ang Koreans sa ganap na alas-3 ng hapon kasunod ang limang sunod na laro ng Gilas II kontra sa Japan, Lebanon, Iran, Chinese Taipei at US.

“Even as we won by a big margin Sunday, we don’t have illusions about the coming games. It’s a treacherous trek, starting with the Korea game,” sabi ni national coach Chot Reyes.

“That’s the way Jones Cup is. It’s a very good competition and it’s just how you cope with it. And that’s why we’re here -- to learn and get tested,” dagdag pa nito.

Ang South Korea ang sumegunda sa nagkampeong Iran sa Jones Cup noong nakaraang taon.

Ibabandera ng Koreans ang kanilang champion club team na Anyang KGC na babanderahan nina imports Garrett Stutz at Juan Pattillo.

Ang 6-foot-11 na si Stutz ay inaasahang sasabay kay 6’11 naturalized Marcus Douthit, habang ang 6’6 namang si Pattillo ang sinubukang ipalit ng Meralco Bolts kay Champ Oguchi sa nakaraang 2012 PBA Governors Cup.

Parehong nanggaling sa panalo ang mga Filipinos at Koreans sa kanilang mga huling laro.

Kagaya ng Gilas II at South Korea, may 2-0 record rin ang three-time defending champion na Iran matapos talunin ang Lebanon at Japan.

Itatampok din ng Anyang KGC sina Korean national players Oh Se-Keun, Kim Tae-Sul at Yang Hee-Jong.

Binigo ng South Korea ang Chinese -Taipei B, 109-83, at ang Lebanon 94-78.

ANG SOUTH KOREA

ANYANG

CHAMP OGUCHI

CHINESE TAIPEI

CHOT REYES

GARRETT STUTZ

GOVERNORS CUP

JONES CUP

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with