MACAU--Mula sa matagumpay na 2011-12 season, muling makikipagtulungan ang Philippine Basketball Association sa broadcast at marketing partner TV5/AKTV para sa 38th season na nakatakda sa Setyembre 30.
Nakahanda ang TV5/AKTV na palakasin ang PBA sa pangalawang taon sa kanilang five-year partnership.
Nagbalangkas na ang Pangilinan-owned network ng plano para sa pro league.
“The PBA is our role model, and we want to tell the public: This is your league, enjoy it,” sabi ni Bobby Barreiro, ang TV5 chief operating officer at executive vice president.
Sinabi pa ni Barreiro na ang mataas na TV ratings sa kanilang coverage sa mga PBA games ang nagpalakas sa kanilang loob.
Ang audience share ng PBA games mula sa Mega Manila ay 9.2 percent, mula sa 6.8 percent sa nakaraang season.
Itinampok dito ang 27.4 percent rating sa overtime sa Commissioner’s Cup Finals Game Seven sa pagitan ng nagkampeong B-Meg at Talk N Text.
Dumami rin ang mga sponsors para sa advertising spots na resulta ng paglakas ng PBA.
“Sponsors have noticed the league is on its way back to its height,” ani Barreiro, inilatag ang kanilang report at plano sa PBA board sa annual planning session sa The Venetian dito sa Macau.
Idinagdag pa ni Barreiro na hindi sila lalayo sa kanilang original theme na “Kampihan Na!” pero may kakaiba silang gagawin.
“Fans have taken sides, and we’ll notice there’s now the ‘TnT Nation,’ ‘B-Meg Planet,’ ‘Petroniverse.’ It’s no longer just Barangay Ginebra. And that’s the way we wanted,” wika ni Barreiro.
“The fans now are more active, more involved, and we want to tap that energy. The next phase of our program is to make the fans more engaged,” dagdag pa nito.