^

PSN Palaro

First time sa ROS?

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos muling ma-dislocate ang kaliwang balikat ni Paul Lee sa Game Three ay sinabi ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao na kaya nilang magkampeon sa 2012 PBA Governors Cup na wala ang 2012 PBA Rookie of the Year awardee.

At naniniwala rin siyang ‘destiny’ ng Elasto Painters na makamit ang kanilang kauna-unahang PBA crown.

Tangan ang 3-1 benta­he sa kanilang best-of-seven championship series ng B-Meg, tatangkain ng Rain or Shine na angkinin ang kampeonato sa Game Five ngayong alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nakalapit ang Elasto Painters, umakyat sa pro league noong 2006, sa kanilang inaasam na unang PBA title matapos ta­lunin ang Llamados, 94-89, sa Game Four noong Linggo kung saan nakabangon sila mula sa isang 17-point deficit sa first period.

“It takes a bit off the pressure, but this is a vulnerable moment for us. Anything can change in a second against a team like B-Meg,” sabi ni Guiao. “If they’re able to come back strong on Wednesday and get a roll, they’re going to be hard to stop once they get their bearings.”

Kumpiyansa naman si mentor Tim Cone, nasa kanyang pang-25 finals appearance bilang coach at may 14 PBA crowns para sa Alaska at isa sa B-Meg sa nakaraang 2012 PBA Commissioner’s Cup, na makakabalik sila sa serye sa Game Five.

Ang hindi paglalaro sa serye nina Joe Devance at JC Intal dahil sa kanilang mga injuries ang iniinda rin ng Llamados na umaasa kina two-time PBA Most Valuable Player James Yap, import Marqus Blakely, PJ Simon, Marc Pingris at Jonas Villanueva.

Sa tatlong koponang nakabalik mula sa isang 1-3 pagkakabaon sa isang title series, tanging ang Ginebra ang nakakopo ng titulo matapos resbakan ang Shell sa 1991 First Conference Finals.

B-MEG

ELASTO PAINTERS

FIRST CONFERENCE FINALS

GAME FIVE

GAME FOUR

GAME THREE

GOVERNORS CUP

JOE DEVANCE

JONAS VILLANUEVA

LLAMADOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with