Vietnamese, Thais takot din sa Azkals
MANILA, Philippines - Kung nangingilag ang Pilipinas sa Vietnam at host Thailand sa group stages sa darating na AFF Suzuki Cup, takot din ang mga Vietnamese at Thais sa Azkals.
“Philippines has called up many foreign-born players recently. Their national team has turned into a completely different one. Therefore, we must be careful,” sabi ni Vietnam coach Phan Thanh Hung sa football website na GOAL.Com.
Matatandaang umiskor ang Azkals ng 2-0 panalo laban sa dating kampeong Vietnam sa group stages ng 2010 AFF Suzuki Cup patungo sa kanilang kauna-unahang semifinals appearance.
Kasama ng Azkals sa labanan sa Group A na nakatakda sa Nobyembre 24 hanggang Disyembre 1 ang 2008 winners Vietnamese at three-time ASEAN titlists Thais bukod pa sa mananalo sa Qualifying Round.
Para paghandaan ang Suzuki Cup, sinabi ni Phan na nagtakda ang Vietnam ng dalawang friendly games laban sa Indonesia sa Setyembre at isang pocket tournament kasama ang Turkmenistan, DPR Korea at ang Olympic team ng Iran sa Oktubre.
- Latest
- Trending