Orcollo, De Luna pasok sa quarters

MANILA, Philippines - Pumasok na sa quarterfinals sa 2012 Guinnes World Series of Pool-Speed Ball Challenge sina Dennis Orcollo nang ta­lunin si Ado­lof Leunupun ng Indonesia kahapon sa Surabaya, Indonesia.

Nasa quarters na rin si Jeffrey De Luna nang talunin ang pambato ng Indons na si Ricky Yang para lumaki ang tsansa ng bansa na manalo sa torneong ito.

Kinailangan lamang ni Orcollo ng limang minuto at 18 segundo para tapusin ang limang racks laban sa 8:13 ng katunggali.

Si De Luna ay naora­san naman ng eksaktong 5 minuto laban sa 5:38 ni Yang.

Sunod na kalaban ni Orcollo na may iniindang si­pon, ang isa pang Indon bet sa katauhan ni Cherry Suliawan na tinalo ang ka­babayang si Iwan Saga, 5:58 laban sa 7:49, para sa puwesto sa semifinals.

Si De Luna ay mapapa­sabak sa mabigat na laban kontra kay Darren Appleton ng Great Britain na pi­­nagpahinga si Shane Van Boening ng US, 4:33 -5:09.

Show comments