Williams papalo sa Wimby finals vs Radwanska
WIMBLEDON, England--Tinalo ni four-time Wimbledon champion Serena Williams si No. 2-seeded Victoria Azarenka ng Belarus, 6-3, 7-6 (6), para sa kanyang pang pitong finals appearance sa All England Club.
Pipilitin ng 30-anyos na si Williams na maging unang lady netter sa kanyang edad na nagwagi ng isang major tournament matapos si Martina Navratilova, nasa edad 33-anyos nang angkinin ang Wimbledon noong 1990.
“The older I get, the better I serve, I feel,’’ wika ni Williams.
Isang panalo pa ang kailangan ni Williams para sa kanyang pang limang Wimbledon championship para idagdag sa nauna niyang mga titulo noong 2002-03 at 2009-10 at pang 14th Grand Slam singles trophy sa kabuuan.
Nagtala si Williams ng 20 sa kanyang 24 service points sa first set at hindi siya nagkaroon ng double-fault laban kay Azarenka.
Makakasagupa ni Williams sa finals si No. 3 Agnieszka Radwanska ng Poland, umabante sa kanyang unang Grand Slam final sa edad na 23-anyos.
Umiskor si Radwanska ng isang 6-3, 6-4 tagumpay kontra kay No. 8 Angelique Kerber ng Germany.
“After a couple of games, I just relaxed a little bit,’’ ani Radwanska. ‘“was really focusing on every point.’’
- Latest
- Trending






















