Sharapova umusad sa 3rd round ng Wimbledon

WIMBLEDON, England--Bumangon si Maria Sharapova sa kabiguan sa se­cond set para talunin si Tsvetana Pironkova, 7-6 (3), 6-7 (3), 6-0, at makaabante sa third round ng Wimbledon.

Nakuha ng top-ranked Russian ang 3-1 lamang sa second set nang ihinto ang kanilang laro dahil sa problema sa ilaw.

Sa pagbabalik ng laro, sinamantala ni Pironkova ang ilang pag­kakamali ni Sharapova bago niya niresba­kan ang Bulgarian sa third set.

Nanggaling si Sha­rapova mula sa pag-angkin sa kanyang unang French Open title na kumumpleto sa isang career Grand Slam.

Puntirya niya ang kanyang ikalawang Wimbledon crown matapos magreyna noong 2004 bilang isang 17-anyos na netter.

Sa men’s division, ginulat ni 100th-ranked Lukas Rosol si 11-time Grand Slam champion Nadal 6-7 (9), 6-4, 6-4, 2-6, 6-4, patungo sa third round ng torneo.

Ito ang unang pagkakataon mula noong 2005 na natalo si Nadal sa second round ng anumang major tournament.

Show comments