^

PSN Palaro

Top seed puntirya ng Dolphins vs Sharks

- ATan - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Pormal na angkinin ang unang puwesto ang na­ka­taya ngayon sa Cebu Dolphins sa pagtatapos ng Baseball Philippines Series 9 elimination round na gagawin sa Rizal Memorial Baseball Field.

Katunggali ng Dolphins ang nagdedepensang Manila Sharks sa ikalawang laro sa ganap na alas-10:30 ng umaga at pakay nila ang ika-12 panalo matapos ang 15 laro.

Papasok ang koponang hawak ni Isaac Bacarisas mula sa pagwalis sa dalawang hinarap na laro noong nakaraang Linggo sa Parade Ground sa Clark Field, Pampanga nang lu­su­tan ang Dumaguete Unibikers, 7-6, at hiyain ang Taguig Patriots, 14-4.

Ang Unibikers ay masusukat naman sa Alabang Tigers sa huling laro dakong ala-1:30 habang ang unang laro ay sa pagitan ng mga talsik nang Batangas Bulls at Taguig Patriots.

Ang Unibikers ay may 10-4 karta at hawak na nila ang ikalawang see­ding upang katulad ng Dolphins ay inangkin na ang maha­lagang twice to beat advantage sa Final Four na lalaruin sa susunod na Linggo.

May 8-6 baraha ang Sharks para hawakan ang number three spot habang ang Tigers ang nakakuha sa ikaapat at huling puwesto patungo sa Playoffs sa kanilang 7-7 baraha.

Ang Bulls at Patriots ang nasa huling puwesto sa 3-11 karta kaya’t ang pag­lalabanan ng dalawang ito ay ang makaiwas na malagay bilang kulelat sa anim na koponang torneona norganisa ng Community Sports Inc.

vuukle comment

ALABANG TIGERS

ANG BULLS

ANG UNIBIKERS

BASEBALL PHILIPPINES SERIES

BATANGAS BULLS

CEBU DOLPHINS

CLARK FIELD

COMMUNITY SPORTS INC

DUMAGUETE UNIBIKERS

TAGUIG PATRIOTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with