^

PSN Palaro

NU Pep Squad may pinagdaanan bago makuha 3-peat

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang solidong performance ang inilatag ng NU Pep Squad upang masungkit ang kanilang ika-10 korona sa UAAP Season 89 Cheerdance Competition noong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ngunit sa likod ng ta­gumpay, maraming pinagdaanan ang NU Pep Squad upang makamit ang inaasam na three-peat.

Ayon kay NU Pep Squad coach Gab Bajacan, hindi ma-perpekto ng kanilang team ang mga routines nito partikular na sa mga mahihirap na stunts.

“Ang dami naming struggles with this routine. Since the day na nagkita kami rito sa One ECom for one-week practice, never po talaga kami nakabuo ng routine,” ani Bajacan.

Ilan sa mga miyembro nito ang nawawalan na ng pag-asa.

Subalit sa araw ng kum­petisyon, hindi nakitaan ng pangamba ang NU Pep Squad.

Lumabas ang buong team sa arena bitbit ang tapang at determinasyong madepensahan ang korona nito.

Nakakuha ang NU Pep Squad ng 693.5 puntos para mapanatili ang korona. Pumangalawa naman ang University of the East Pep Squad na may 664.5 points habang ikatlo ang Far E­astern University Pep Squad na may 647.5 points.

Ang NU Pep Squad na ang winningest team sa UAAP Cheerdance hawak ang 10 korona kasunod ang UP at UST na may tig-walong titulo.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with