^

PSN Palaro

Gilas todo practice na sa Malaysia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Todo ensayo agad ang Gilas Pilipinas sa Seremban, Malaysia upang ma­ka­buo na agad ng game plan bago sumalang sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Dahil matagal nang magkakasama sa team, hindi na magiging mahirap para sa Gilas na maibalik ang chemistry dahil sanay na ang mga ito sa sistema.

Bukod tanging si naturalized player Bennie Boatwright lamang ang magi­ging bago sa team.

Ngunit dahil makailang ulit na rin itong naglaro sa PBA bilang import, sanay na ito sa sistema ng Pinoy basketball.

Inaasahang makakasama na ng Gilas ngayong araw si Boatwright.

Nasa Malaysia na sina Kai Sotto, Dwight Ramos, Kevin Quiambao, Scottie Thompson, CJ Perez, Troy Rosario, Chris Newsome at Juan Gomez de Liaño.

Diretso namang nagtungo sa Malaysia sina AJ Edu, Mike Phillips at Quentin Millora-Brown ga­ling sa Japan kung saan pare-pareho itong imports sa Japan B.League.

Nanggaling naman sa Pilipinas sina Sotto, Ramos, Quiambao, Thompson, Perez, Rosario, Newsome at De Liaño kasama ang coaching staff sa pa­ngunguna ni head coach Tim Cone at ilang opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Sisimulan ng Gilas ang fifth window sa pagsagupa sa Syria sa Nobyembre 27 kasunod ang pagharap sa Iran sa Nobyembre 29.

Kailangan ng Pinoy cagers na makuha ang panalo upang mas lalong lumakas ang tsansa nitong makapasok sa FIBA World Cup proper na gaganapin sa susunod na taon sa Doha, Qatar.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with