Mayweather humiling na ilipat ng kulungan
LAS VEGAS--Dedesisyunan ng Las Vegas judge sa mga susunod na araw kung papahintulutan ba ang kahilingan ng mga abogado ni Floyd Mayweather Jr. na ilipat ito ng selda.
Nagsumite ng emergency motion sa Korte si Atty. Richard Wright upang hilingin na ilipat si Mayweather mula sa solitary confinement tungo sa general jail population para magkaroon din ito ng pagkakataon na makapagsanay sa pagbo-boxing.
Nangangamba ang kampo ng kasalukuyang WBA Super World light middleweight na mawawala ang kondisyon nito sa pagbo-boxing kung sa ganitong selda siya ilalagay.
Tatlong buwang makukulong si Mayweather matapos umamin sa salang domestic violence noong Disyembre.
Dapat ay noong Marso siya ikinulong pero ipinagpaliban para makalaban si Miguel Cotto noong Mayo 5.
Hiniling ng mga abogado nito na kung maaari ay ilagay na lamang siya sa isang apartment o sa ibang lugar ng hindi bibigyan ng espesyal na pagkalinga.
“I’m not looking for special treatment for Floyd Mayweather. I’m looking for a fair treatment,” wika ni Wright.
Ang selda ni Mayweather ay may sukat na 7 feet by 12 feet at hindi sapat para makapagsagawa kahit ng pushups o situps.
Si Justice of Peace Melissa Saragosa ang siyang maglalabas ng hatol sa mosyon na ito.
- Latest
- Trending