^

PSN Palaro

Azkals susukatan ang Guam ngayon

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Haharap sa ikatlong friendly game ang Philippine Azkals ngayong gabi sa pagbangga sa bisitang Guam na gagawin sa Pana-ad football field sa Bacolod City.

Tangan ng koponan ang dalawang tabla sa naunang laban na hinarap kontra sa Malaysia Tigers (0-0) sa Malaysia at Indonesia (2-2) na nilaro sa Rizal Memorial Football Field.

Inaasahang mas magi-ging maganda ang ipakikita ng Pambansang koponan dahil sa mainit na suporta na ipagkakaloob ng mga panatiko ng sport sa Bacolod.

Bumalik ang aksyon sa Panaad noong Pebrero ng nagdaang taon ay ang Azkals ay nanalo sa Mongolia, 2-0, sa first leg ng AFC Challenge Cup qualifiers.

Ang Guam team na kilala sa taguri bilang Matao, ay nasa kanilang una sa tatlong laro sa bansa.

Matapos ang Azkals, sunod nilang susukatin ang Global FC at Stallions na mga koponang naglalaro sa United Football League.

ANG GUAM

AZKALS

BACOLOD

BACOLOD CITY

BUMALIK

CHALLENGE CUP

MALAYSIA TIGERS

PHILIPPINE AZKALS

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL FIELD

UNITED FOOTBALL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with