Spurs nakauna

SAN ANTONIO--Umiskor si Manu Ginobili ng 26 points at dumiretso ang San Antonio Spurs sa kanilang pang 19 sunod na panalo na nagtabla sa NBA record para sa pinakamahabang winning streak.

Bumangon sa fourth quarter matapos sermunan ng kanilang coach na si Greg Popovich, tinalo ng Spurs ang Oklahoma City Thunder, 101-98, sa Game 1 ng kanilang Western Conference finals series.

Itinala ng Thunder ang isang nine-point lead bago nagalit ang 63-anyos na si Popovich sa Spurs na kanyang sinabihan na ‘get nasty’.

‘’I said that?’’ tanong ni Popovich na kanyang isi­nigaw na narinig ng natio­nally television audience.

“The heat of the game, stuff comes up,’’ ani Popovich. ‘’So I talked to them about they’ve got to get a little bit uglier, get a little more nasty, play with more fiber and take it to these guys. Meaning you have to drive it, you have to shoot it.’’

Pinangunahan ni Kevin Durant ang Thunder mula sa kanyang 27 points kasu­nod ang 17 ni Russell Westbrook.

Makaraang malimita sa 16 points sa kabuuan ng third quarter, umiskor ang San Antonio ng 39 points sa kabuuan ng fourth period.

Humakot si Tim Duncan ng 16 points at 11 rebounds, habang may 18 points si Tony Parker para sa Spurs.

Nakatakda ang Game 2 sa Martes.

Nagdagdag naman si Gary Neal ng 12 puntos ang natatanging manlalaro ng Spurs na kumamada ng dobleng pigura.

Nang mangapa ang ‘Big Three’ ng Thunder, nailabas ng may edad nang si Derrick Fisher ang kanyang tikas, naging tanyag sa nasabi ring court noong 2004 playoffs matapos siyang tumira ng game-winning basket para sa Lakers sa huling 0.4 segundo ng labanan, kung saan gumawa ito ng 13 puntos.

Show comments