^

PSN Palaro

Pinas kampeon sa Bronco

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Bumanat ng two-run single si Ian Mercado sa hu­ling inning upang tulu­ngan ang Philippine bronco team sa 5-4 panalo laban sa Indonesia at pagha­rian ang PONY Bronco-11 Championships na nagtapos kahapon sa Singapore.

Two-outs na pero tatlong hits ang ibinigay ni In­donesia-Japanese pitcher Kegio Sugita para wa­sakin ng Pilipinas ang 3-3 pagkakatabla.

Si CJ Castillo ang siyang unang nakatama ba­go sumunod si Rovic Villanueva at ang dalawa ay naipasok ng hit ni Mercado.

Nakapanakot pa ang Indon team nang makapasok ng isang run habang isang batter ang nasa first base at wala pang out ang koponan sa bottom se­venth.

Pero kumapit ang suwerte sa Pilipinas nang ta­maan ng batted ball sa papatakbong runner sa second base habang ang bola ay nakuha ni Gabs Alcaraz para sa putout sa first tungo sa double play.

Ang huling batter ng Indonesia ay nahuli naman sa first base sa mahusay na bato ni third baseman Atong Natanauan para ibigay sa Pilipinas ang ta­gumpay.

Ang pangyayari ay nagresulta upang angkinin ng Pilipinas ang karapatang maglaro sa World Bronco Series na itinakda sa Agosto sa Chesterfield, Virginia sa USA.

AGOSTO

ATONG NATANAUAN

BUMANAT

GABS ALCARAZ

IAN MERCADO

KEGIO SUGITA

PILIPINAS

ROVIC VILLANUEVA

SHY

WORLD BRONCO SERIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with