MANILA, Philippines - Dinomina ng National Capital Region ang larong basketball upang lagyan ng ningning ang paghablot ng delegasyon ng kanilang ika-10 sunod na secondary general championships sa pagtatapos kahapon ng Palarong Pambansa sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan.
Si JJ Alejandro na team captain ng Energen Pilipinas team na tumapos sa semifinals sa Fiba-Asia Championships sa Vietnam noong nakaraang taon ay may 33 puntos para pangunahan ang 96-77 dominasyon ng NCR sa Calabarzon na nakita ang dalawang taong paghahari sa basketball na natapos.
Nanalo rin ang NCR sa larong football nang ang koonang binubuo mula sa UAAP back to back champion FEU ay umukit ng 2-0 panalo sa nagdedepensang Central Visayas.
Nanalo rin ang NCR sa secondary volleyball laban sa Central Visayas sa boys at girls, ang Big City delegasyon ay nakakubra ng 415 puntos upang maging run-away winner sa high school division.
Nasa malayong ikalawang puwesto ang Western Visayas sa 230.50 habang ang Calabarzon ay may 158 para sa ikatlong puwesto.