^

PSN Palaro

SMBeer kumpiyansa sa Saigon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Wakasan ang triple round elimination tangan ang pitong sunod na panalo ang balak ngayon ng San Miguel Beermen sa pagbi sita sa Tan Binh Stadium para sukatin uli ang Saigon Heat sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) ngayon gabi.

Ganap na alas-7 ng gabi itinakda ang bakbakan at ka hit selyado na ng Beermen ang number one see ding sa kasalukuyang 16-4 baraha ay tiyak na pupukpok pa rin para magkaroon ng magandang momentum papasok sa Playoffs.

Ang winning streak ay nagsimula matapos ipalasap ng Heat ang 63-66 pag katalo noong Marso 24 sa Ynares Sports Arena at ang pagbaon sa pangit na alaala na iyon ang nais ding ibaon kung mananalo ang Beermen sa gabing ito.

Sina Nick Fazekas at Duke Crews ang babandera uli sa larong ito upang mapanatili ang di paglasap ng kabiguan ng koponan sapul nang kinuha sila ng management ng Beermen.

Pero hindi malayong umatake rin sina Leo Avenido at Chris Banchero na siya nilang ginagawa sa mga huling laro kaya’t hirap bantayan ng kalaban ang nasabing koponan.

May  7-12 karta ang Heat at ang huling laro ay gagawin sa Cobras sa Bangkok sa Mayo 13.

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHRIS BANCHERO

DUKE CREWS

LEO AVENIDO

SAIGON HEAT

SAN MIGUEL BEERMEN

SINA NICK FAZEKAS

TAN BINH STADIUM

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with