^

PSN Palaro

Isa na lang sa B-Meg

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Isang panalo na lamang ang kailangan ng Llamados para tuluyan nang angkinin ang kanilang pang 10 kampeonato.

Sa likod ng mainit na laro ni two-time PBA Most Valuable Player James Yap at Best Import Denzel Bowles sa fourth quarter, tinalo ng B-Meg ang nagdedepensang Talk ‘N Text, 82-66, sa krusyal na Game Five ng kanilang 2012 PBA Commissioner’s Cup Finals kagabi sa harap ng 15, 183 manonood sa Smart-Araneta Coliseum.

Naglista si Yap ng 30 points at 9 rebounds, ha­bang may 28 mar­kers si Bowles para sa 3-2 bentahe ng Llamados sa kanilang best-of-seven championship series ng Tropang Texters.

“Crucial talaga itong game na ito. Parang best-of-three na lang kasi ito eh, parang tulala na ako sa pagod pero kailangan talaga naming manalo,” sabi ni Yap, humugot ng 16 markers sa first half. “Tala­gang magiging handa kami sa Talk ‘N Text sa Game Six kasi alam namin na mag-a-adjust sila.”

Matapos makalapit ang Talk ‘N Text sa 53-54 agwat sa 2:23 ng third period, muli namang naka-layo ang B-Meg sa 64-53 sa 11:07 ng fourth quarter mula kina Yap, Bowles at Marc Pingris.

Tuluyan nang sinel­yuhan ng Llamados ang kanilang tagumpay nang iposte ang 82-64 kalama­ngan kontra sa Texters sa huling 1:34 ng laro mula sa basket ni Pingris.

Nauna dito, kinuha ng B-Meg ang first period bitbit ang 24-15 kalamangan buhat sa isang three-point shot ni Simon sa huling 1.2 segundo kasunod ang inihulog na 14-1 bomba ng Talk ‘N Text para agawin ang unahan sa 29-25 sa 6:25 ng second quarter.

Nagbida naman si Yap upang pakawalan ang isang 16-3 atake para mu­ling angkinin ang lamang sa 41-33 papunta sa halftime.

Samantala, nakatakdang dumating bukas ang kinuhang import ng Powerade na si Rashad McCants para sa kanilang kampanya sa darating na 2012 PBA Governors Cup na nakatakda sa Mayo 20.

Ang 6-foot-4 na si McCants, hinirang na 14th overall pick sa first round ng 2005 NBA Draft, ay nagtala ng mga averages na 10.0 points, 2.0 rebounds at 1.3 assists sa kanyang apat na seasons para sa Minnesota Timberwolves at Sacramento Kings.

Miyembro ang 27-an­yos na si McCants ng University of North Carolina Tar Heels na nagkampeon sa US NCAA noong 2004.

Maliban kay McCants, inaasahang paparada rin para sa 2012 PBA Governors Cup sina Zach Graham (Air21), Cedric Bozeman (Ginebra), Jamelle Cornley (Rain or Shine) at Marqus Blakely (B-Meg).

Magbabalik naman sina Paul Harris ng Texters, Jason Forte ng Alaska at Tim Pickett ng Meralco.

B-Meg 82 - Yap 30, Bowles 28, De Ocampo 8, Simon 5, Urbiztondo, Devance 3, Barroca 2, Pingris 2, Gaco 0, Burtscher 0, Intal 0, Reavis 0.

Talk N Text 66 - Dillinger 18, Castro 16, Harvey 13, Alapag 6, Peek 6, De Ocampo 3, Gamalinda 2, Fonacier 2, Aguilar 0, Reyes 0, Williams 0, Carey 0.

Quarterscores: 24-15, 41-33, 59-53, 82-66.

B-MEG

BEST IMPORT DENZEL BOWLES

CEDRIC BOZEMAN

CUP FINALS

DE OCAMPO

GAME FIVE

GAME SIX

GOVERNORS CUP

LLAMADOS

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with