Brunson, Knicks nakahirit ng Game 6

NEW YORK -- Nagbagsak si Jalen Brunson ng 32 points habang humakot si Karl-Anthony Towns ng 24 points at 13 rebounds sa 111-94 panalo ng Knicks sa Indiana Pacers sa Game 5 para sa 2-3 agwat sa Eastern Conference finals.
Nanalo ang New York sa kanilang balwarte sa unang pagkakataon sa serye para pigilan ang Indiana sa pag-entra sa ikalawang NBA Finals.
“It’s a testament to our team answering the call,” wika ni Towns sa pagbuhay sa pag-asa ng Knicks na maging ika-14 tropa na nakabangon mula sa isang 1-3 deficit para manalo sa serye.
Wala pang koponang nanalo sa conference finals series matapos matalo sa unang dalawang laro sa kanilang tahanan.
“Our backs were against the wall. So, I mean, we’ve got to give it everything we got,” dagdag ni Brunson.
Umiskor si Benedict Mathurin ng 23 points para sa Pacers na nauna nang naipanalo ang unang anim na road games.
“We obviously didn’t play with the level of force that we needed to,” ani Indiana coach Rick Carlisle. “We lost the rebound battle. We lost the turnover battle. We didn’t shoot well. They had a lot to do with it. So, give them a lot of credit and we’re going to have to play better.”
Kumamada si Brunson ng 14 points sa first quarter sa 27-23 abante ng New York bago kunin ang 20-point lead sa third period.
Naputol ito ng Pa-cers sa kalahati kasunod ang isang 12-0 atake ng Knicks tampok ang four-point play ni Brunson para sa kanilang 86-64 paglayo.
- Latest





















