Lyceum kinaldag ng CSB
MANILA, Philippines — Nakitaan pa rin ng tikas si Zamantha Nolasco nang akbayan nito ang defending champion College of Saint Benilde sa 25-20, 25-18, 25-12 panalo kontra Lyceum of the Philippines University sa huling araw ng elimination round sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan, kahapon.
Kumana si Nolasco ng 12 points mula sa nine attacks at tatlong blocks para tulungan ang Taft-based squad na ilista ang 16-2 karta at selyuhan ang No. 1 spot sa team standings.
Susukbitin ng CSB ang twice-to-beat advantage sa semifinals kung saan ay makakalaban nila ang No. 4 na Mapua University habang ang may tangan din ng isang bonus na No. 2 Letran ay makakalaban naman ang No. 3 na Arellano University.
Naging madali ang pagsilo ng panalo ng CSB dahil halos lahat ng players nila ang nag-ambag ng puntos tulad nina Shahanna Rheign Lleses at Wielyn Estoque na umiskor ng tig-anim.
Lumanding sa sixth place ang Lady Pirates, hawak ang 8-10 card.
- Latest



















