^

PSN Palaro

Pananalasa ng Steel Masters pinigil ng Gems

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Gumawa ng 26 puntos at 12 rebounds si Vic Ma­nuel habang may 23 pa si Lester Alvarez kasama ang limang tres, para pangunahan ang Cebuana Lhuillier sa 100-86 panalo laban sa RnW Pacific Pipes sa idinaos na PBA D-League Foundation Cup kahapon sa San Juan Gym.

Sina Jeckster Apinan at Chris Exciminiano ay naghatid pa ng tig-10 puntos upang kakitaan ng balanseng pag-atake ang Gems para ibigay kay coach Beaujing Acot ang ikalawang su­nod na panalo sa tatlong laro bilang head coach tungo sa 5-2 karta.

Sa ikalawang yugto gumana ang Gems nang limitahan ang Pacific Pipes sa 4 of 24 shooting upang kunin ang naturang quarter, 23-13, at palawigin ang dalawang puntos bentahe sa first quarter tungo sa 56-44 bentahe sa halftime.

Hindi na nakasabay pa ang Steel Masters mula rito para makita ang apat na su­nod na pagpapanalo na nagwakas na tungo sa 4-3 baraha.

Samantala, double-dou­ble na 17 puntos at 15 rebounds ang ginawa ni Keith Jensen para tulungan ang Big Chill na kunin ang 72-66 panalo sa Boracay Rum sa unang laro.

Walong puntos ni Jensen ay ginawa sa ikatlong yugto na inangkin ng Super Chargers, 21-12, upang hawakan ang 56-45 bentahe papasok sa huling yugto na nagtiyak din ng ikalawang dikit na panalo ng koponan at iangat ang karta sa 5-2.

Nalaglag ang Waves sa 2-4 karta at makasama ang Junior Powerade at Erase Plantcenta na nasa ikaanim hanggang walong puwesto sa standings.  

BEAUJING ACOT

BIG CHILL

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

CHRIS EXCIMINIANO

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ERASE PLANTCENTA

JUNIOR POWERADE

KEITH JENSEN

PACIFIC PIPES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with