^

PSN Palaro

Kahit walang suporta sa POC, PSL tuloy sa pagtuklas ng mahuhusay na swimmers

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi hihinto ang Philippine Swimming League (PSL) sa pagtulong sa pagtuklas ng mga talentadong man­lalangoy kahit wala pa rin ang suporta ng Philippine Olympic Committee (POC) at ang kanilang kinikilalang National Sports Association na PASA.

 Sa Mayo 19 at 20 sa Rizal Memorial Swimming Pool ay idaraos ang 2nd Nikki Coseteng Swimming Championships at tulad sa naunang edisyon ay buo ang paniniwala ng dating senadora na may mga sisibol uli na mga de-kalibreng swimmers na maaaring pakinabangan ng bansa sa hinaharap.

 “We might not get the recognition from the POC and PASA but that doesn’t stop us from bringing honors to the country,” wika ni Coseteng.

Ang 2nd Coseteng Swimming Championships ay maisasagawa katuwang ang Philippine Sports Commission (PSC) bukod pa sa Federation of Schools Sports Association of the Philippines (FESSAP).

Ang mga lalabas na may potensyal na manlalangoy ay hahasain pa upang maging panlaban ng Pilipinas sa World University Games.

Sa ngayon ay nagpadala ang PSL ng mga manla­la­ngoy sa Hong Kong at nangunguna rito sina Kevin Cla­veria at Paula Cayanan na parehong nakaabot sa AAAA standard ng US base sa kalkulasyon ni Olympian Susan Papa.

Ang mga lalabas na mahuhusay na manlalaro sa palarong ito ay ilalaban sa mga nanalo sa unang torneo upang madetermina kung sino ang mas karapat-dapat na ipadala sa Universiade.

COSETENG SWIMMING CHAMPIONSHIPS

FEDERATION OF SCHOOLS SPORTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HONG KONG

KEVIN CLA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

NIKKI COSETENG SWIMMING CHAMPIONSHIPS

OLYMPIAN SUSAN PAPA

PAULA CAYANAN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with