^

PSN Palaro

Pinoy wrestlers bigo sa unang Olympics qualifying

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Bigo ang mga national wrestlers na sina Margarito Angana at Jason Balabal sa ginawang kampanya para makapasok sa London Games sa idinaos na unang yugto ng Asian Olympic Qualifying Tournament sa Astana Kazakhs­tan kamakailan.

Si Angana na isang two-time SEA Games gold medalist ay hindi umubra kay Kudaibergenov Askhat habang si Balabal ay natalo rin kay Assakalov Rustam ng Uzbekistan para agad na mamaalam matapos la­mang ang unang laban.

Hindi man pinalad ay may pagkakataon pang masama ang Pilipinas sa Olympics sa nasabing sport dahil ang kahuli-huli­hang qualifying event ay gagawin sa Abril 25 hanggang 30 sa Taiyuan, China.

Ang dalawang wrest­lers, kasama si Alvin Lobre­guito at coach Roel Pacio­nal ay lumipad na sa Beijing upang magsagawa ng 21-day training para sa hu­ling qualifier.

Nananalig ang pamu-nuan ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) na mas may ipakiki-tang laban ang mga pambato ng bansa dahil ang mga matitikas ay umusad na sa London Games.

vuukle comment

ALVIN LOBRE

ASIAN OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT

ASSAKALOV RUSTAM

ASTANA KAZAKHS

JASON BALABAL

KUDAIBERGENOV ASKHAT

LONDON GAMES

MARGARITO ANGANA

ROEL PACIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with