^

PSN Palaro

Mainit na panahon papabor sa Phl Team

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Matinding init sa loob ng playing venue ang isa sa mga inaasahan ng Phi­lippine Davis Cuppers pa­ra mapahirapan ang lu­makas na Pakistan team sa gagawing Asia Oceania Zone Group II Davis Cup se­mifinals na magsisimula bukas sa Philippine Colum­bian Association (PCA) shell courts sa Plaza Dilao sa Paco, Manila.

“Yes, we are confident,” wi­ka ni Philippine Davis Cup administrator Randy Vil­lanueva sa tsansa ng koponan na manalo sa Pa­kistani upang umabante sa Finals na gagawin sa Setyembre 14-16 laban sa mananalo sa pagitan ng Thailand at Indonesia.

“We are the host and we have a surface that is on­ly familiar to us, the shell court and the humid condition of PCA,” dagdag pa ni Vill­anueva.

Limang beses nagtuos ang dalawang bansa at a­ngat ang bansa sa 4-1. Ang huling dalawang edis­yon ay nangyari noong 2007 at 2009 at parehong nag­domina ang mga Filipino netters.

Sa PCA nilaro ang ta­gisan noong 2009 at ka­hit nauwi sa 3-2 ang final score, natapos ang bakbakan sa loob lamang ng dalawang araw dahil sina Ce­cil Mamiit at Treat Huey ay nanalo sa kanilang ope­ning singles at doubles para sa 3-0 kalamangan.

Hindi na makakasama ng national team ang be­teranong si Mamiit na hindi natalo sa limang laro laban sa Pakistan mula noong 2007.

Magbabalik si Huey at makikipagtambal kina Fil-Am Ruben Gonzales, Francis Casey Alcantara at beteranong si Johnny Ar­cilla.

Maglalaro sa unang pagkakataon sa laban kontra Pilipinas ang pambato ng bisitang koponan na si Aisam Qureshi upang sa­mahan ang mga betera­no noong 2009 na sina Aqeel Khan at Yasir Khan at bagitong si Muhammad Abid.

Ang draw ceremony ay gagawin ngayong alas-10 ng umaga sa PCA at mala­la­man kung sino ang mga maglalaban sa opening singles bukas na itinakda sa ganap na alas-10 ng umaga at alas-2 ng hapon.

Sa Sabado lalaruin ang doubles sa ala-1 ng hapon at ang reversed singles ay sa Linggo sa alas-10 ng uma­ga at alas-2 ng ha­pon.

vuukle comment

AISAM QURESHI

AQEEL KHAN

ASIA OCEANIA ZONE GROUP

DAVIS CUP

DAVIS CUPPERS

FIL-AM RUBEN GONZALES

FRANCIS CASEY ALCANTARA

JOHNNY AR

MAMIIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with