^

PSN Palaro

Phil kasama sa Asian Best XI ng Goal.com

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Patuloy ang pag-ani ng papuri ni Philippine Azkals striker Phil Younghusband matapos ang magandang ipinakita sa idinaos na AFC Challenge Cup sa Nepal.

Ang Goal.com ang hu­ling kumilala sa husay ni Younghusband na gumawa ng anim na goals sa Challenge Cup upang tulungan ang Pilipinas na maitala ang pinakamagandang pagtatapos na ikatlong puwesto at makuha rin ang Golden Boot award.

Nasama ang 24-anyos na si Younghusband sa 11 pinakamahuhusay na manlalaro sa Asia sa ipina­labas na Goal.com’s Asian Best XI para sa buwan ng Marso.

Nakasama ni Younghusband sa Asian Best XI sa nagdaang buwan na naglaro sa Challenge Cup ay si North Korean centre-midfielder Park Nam Chol I na siya ring lumabas bilang MVP ng torneo nang tulu­ngan ang Koreans na mapanatiling suot ang titulo sa ikalawang sunod na taon.

Ang iba pang nakasamang manlalaro ay sina goal keeper Baba Malick ng Lekhwiya, right-back Salem Al Dosari ng Al Hilal, centre-back Alex Wilkinson ng Central Coast Mariners, centre-back Mohammad Nosrati ng Persepolis, left-back Hassan Ashjari ng Sepahan, right midfield Koo Ja-cheol ng Augsburg, center-midfield Shinji Kagawa ng Borussia Dortmund, left-midfield Suchao Nuchnum ng Buriram United, at attacking midfield Nam Tae Hee ng Lekhwiya.

Si Central Coast Mariners manager Graham Arnold ang tumayong pinakamahusay na manager sa buwan ng Marso.

Naggawad din ng Goal.com ng Asian Player of the Month gamit ang botohan mula sa mga panatiko ng football at ang nanalo rito ay si Kagawa na umani ng 42.86% boto.

AL HILAL

ALEX WILKINSON

ANG GOAL

ASIAN BEST

ASIAN PLAYER OF THE MONTH

BABA MALICK

BORUSSIA DORTMUND

BURIRAM UNITED

CHALLENGE CUP

YOUNGHUSBAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with