^

PSN Palaro

6 dikit na panalo itatagay ng Beermen vs Heat

- Ni ATan -

MANILA, Philippines -  Palawigin sa anim na sunod ang winning streak ang balak gawin ngayong gabi ng San Miguel Beermen sa muling pa­kikipagtuos sa Saigon Heat sa 3rd Air­Asia ASEAN Basketball League (ABL) sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dinurog ng Beermen ang Heat sa unang pagtutuos noong Pebrero 11 sa Vietnam, 85-62, at pinaniniwalaan na walang magiging problema sa target na panalo sa larong itinakda sa ganap na ika-6 ng gabi.

Papasok ang home team mula sa li­mang sunod na panalo at ang Bangkok Co­bras ang huling hiniya ng Beermen sa 86-78 tagumpay noong nakaraang linggo.

Patuloy na humuhugot ng solidong numero ang koponan ni coach Bobby Ray Parks Sr. mula sa kanyang import na si Dalron Johnson na may 18.5 puntos, 9.7 rebounds at 3 assists pero kumakamada rin ang mga locals sa pamumuno ni Leo Avenido.

 Si Avenido ay naghahatid ng 14.6 puntos at nagpasabog ng 33 puntos sa la­ban kontra sa Cobras.

 Kung magwawagi pa ay papantayan ng koponan ang pinakamahabang six-game winning streak sa liga na hawak ng AirAsia Philippine Patriots bukod sa pagsungkit sa ika-11 panalo matapos ang 14 na laro.

Aasa naman ang Heat sa husay nina imports Jonathan Jones (19.8 puntos at 12 rebounds) at Jahmar Thorpe (18.7 puntos at 11 rebounds) para pag-ibayuhin ang pina­kamasamang karta sa walong kop­o­nan liga na ngayon ay may 3-9 kartada.

vuukle comment

BANGKOK CO

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BOBBY RAY PARKS SR.

DALRON JOHNSON

JAHMAR THORPE

JONATHAN JONES

LEO AVENIDO

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with