^

PSN Palaro

Tigers titiyakin ang panalo sa Aces

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Isang panalo sa kani-lang natitirang dalawang laro ang dapat makuha ng mga Tigers para makatiyak ng isang quarterfinals seat.

“Looking ahead it's going down the wire towards the last two games,” sabi ni Powerade head coach Bo Perasol matapos ang 121-92 paglampaso sa Air21 Express noong Marso 18. “We need to win one or better two.”

Sasagupain ng Tigers ang Alaska Aces ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Express at Meralco Bolts sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2012 PBA Commissioner's Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Tangan ng nagdedepensang Talk 'N Text ang liderato mula sa kanilang 5-2 baraha kasunod ang B-Meg (5-3), Barangay Ginebra (4-3), Powerade (4-3), Barako Bull (4-4), Alaska (4-4), Air21 (3-4), Petron (3-5), Rain or Shine (3-5) at Meralco (3-5).

 Sa naturang paggiba ng Tigers sa Express, tumipa si Gary David ng per­sonal conference-high 32 points na tinampukan ng anim na three-point shots kasunod ang 22 markers ni rookie Fil-Am Marcio Lassiter.

Nagmula naman ang Alaska sa isang 75-90 ka­biguan sa B-Meg noong Marso 16.

Sa unang laro, pipilitin na­man ng Bolts at Express na makasilip ng tsansa sa quarterfinals sa kanilang pag­haharap.

Nanggaling ang Meralco sa 82-89 pagkatalo sa Barako Bull noong nakaraang Sabado sa Tubod, La­nao del Norte, samanta­lang nakalasap naman ang Air21 ng isang 92-121 pagyukod sa Powerade. 

ALASKA ACES

B-MEG

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BO PERASOL

FIL-AM MARCIO LASSITER

GARY DAVID

MARSO

MERALCO

POWERADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with