^

PSN Palaro

Marikina Marathon ikinasa sa Abril 22

-

MANILA, Philippines - Tatangkain ni Marikina City Mayor Del de Guzman na palaganapin ang puno sa Marikina Watershed ga­mit ang inoorganisang patakbo.         

Sa Abril 22 isasagawa ang Del Run o Marikina Ma­rathon at ang layunin ng karera ay makalikom ng pondo na ipambibili ng binhi na itatanim sa nasabing wa­tershed upang patuloy na maprotektahan ang Si­yudad sa malawakang pagbaha tuwing rumaragasa ang malakas na ulan.

“Hangarin namin na ma­kapagtanim ng 50,000 puno sa Marikina Watershed na siyang last line of defense kapag tag-ulan. Nananalig ako na ma­rami ang makikiisa sa patak­bong ito para maabot na­min ang aming goal,” wika ni Mayor de Guzman nang ma­ging bisita sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue kahapon.

Bukas ang patakbo sa kalalakihan at kababaihan at maglalaban-laban ang mga ito sa 21-K, 10-K at 5-K distansya.

Tatanggap din ng prem­yo ang mangungunang tatl­ong runners na tatapos sa bawat kategorya habang special awards naman ang ibibigay sa unang tatapos sa 5K na edad 10 taon pa­baba at sa mangungunang 10K at 21K sa mananakbong edad 60 pataas. (AT)

Puwede ring lumahok ang mga dayuhang mananakbo tulad ng mga Kenyans pero hindi sila puwede sa mga pa-premyong ipamamahagi dahil ikonokonsidera sila bilang guest entries lamang.

Ang patakbong magsisimula at magtatapos sa Marikina Sports Park ay suportado ng Rotary Club Zone ng Marikina, DENR, Meralco, SM Marikina, Manila Wter, Philil Morris Tobacco Corporation, Arms Corporation, Delfi Foods, Puregold at Milex Construction.

ARMS CORPORATION

DEL RUN

DELFI FOODS

GUZMAN

MANILA WTER

MARIKINA

MARIKINA CITY MAYOR DEL

MARIKINA WATERSHED

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with