^

PSN Palaro

Hatfield puwede pang pagkatiwalaan - Tanquingcen

-

MANILA, Philippines - Bagamat 34-anyos na siya, wala pa din sa katawan ni Rudy Hatfield ang panghihina.

Tinulungan ni ‘H-Bomb’ ang Barangay Ginebra sa dramatikong 94-91 overtime win laban sa nagdedepensang Talk ‘N Text noong Linggo ng gabi sa 2012 PBA Commissioner’s Cup.

Dahilan dito, hinirang ang Fil-Am for­­ward bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Nagposte si Hatfield ng bagong career-high 30 points at humakot ng 14 rebounds, 2 assists, 2 steals at 1 blocked shot sa naturang tagumpay ng Gin Kings laban sa Tropang Texters.

Winakasan ng Ginebra ang kanilang dalawang sunod na kamalasan para ma­kabalik sa labanan sa isa sa dalawang outright semifinals seat.

“That’s what he brings,” sabi ni coach Siot Tanquingcen sa ipinamalas ni Hatfield.

May 4-3 kartada ngayon ang Ginebra katabla ang Powerade sa ilalim ng Talk ‘N Text (5-2) at B-Meg (5-2) kasunod ang Alaska (4-4), Air21 (3-4), Petron (3-4), Barako Bull (3-4), Meralco (3-5) at Rain or Shine (2-5).

Matatandaang saglit na iniwanan ni Hatfield ang Gin Kings noong nakaraang season bago bumalik sa Commissioner’s Cup.

 Sa panalo laban sa Tropang Texters, naglista si Hatfield, unang naglaro sa PBA para sa Tanduay Rhum noong 2000, ng 14-of-21 field goal shooting na tinampukan ng kanyang 13 points sa fourth quarter.

Ang 6-foot-4 forward ang umiskor ng huling 5 puntos ng Ginebra sa regulation period bago nauwi sa overtime, 87-87, ang laro. 

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

GIN KINGS

GINEBRA

HATFIELD

N TEXT

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

RUDY HATFIELD

SIOT TANQUINGCEN

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with