^

PSN Palaro

Phl Patriots lumayo pa

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bumangon ang AirAsia Philippine Patriots mula 16 puntos pagkakalubog ba­go inangkin ang 90-87 panalo laban sa kinapos na Westports Malaysia Dra­gons sa 3rd AirAsia ASEAN Bas­ketball League (ABL) kahapon sa MABA Gym, Kuala Lumpur, Malaysia.

Magarbong pagbabalik sa Patriots ang ginawa ni Anthony Johnson nang mag­pakawala ito ng kanyang season-high na 34 puntos pero malaking papel din ang ginawa ni Angel Raymundo sa huling yugto para tuluyang makapagdomina ang Patriots.

Si Raymundo na hindi sumablay sa anim na attempts sa laban, ay naghatid ng walong puntos sa hu­­ling yugto para tulu­ngan ang Patriots na ma-outscore ang home team, 26-16, at makumpleto ang sweep sa tatlong road ga­mes tungo sa nangu­ngunang 10-2 baraha.

May 19 puntos, 14 rebounds at 4 blocks pa si Nakeia Miller at ang Pa­triots ay nasuwertehan din na makitang walong minuto lamang ang inilaro ng pambato ng Dragons na si Tiras Wade habang si Donald Little ay napatalsik sa laro dala ng limang fouls may 3:24 sa bakbakan.

Ang nangungunang iskorer ng liga na si Wade sa kanyang 26.5 puntos ay tumapos lamang taglay ang 7 puntos at tuluyang inilabas may 7 minuto pa sa ikalawang yugto tila may iniinda sa katawan.

Hindi naman agad na tumupi ang Dragons na na­lasap ang ikatlong sunod na kabiguan tungo sa 7-5 karta, dahil nag-init si Patrick Cabahug na tumapos taglay ang 23 puntos.

Samantala, sasalang naman ang San Miguel Beermen ngayon kontra sa Bangkok Cobras sa Chulalongkorn University, Bangkok at nais ng bataan ni coach Bobby Ray Parks Sr. na masungkit din ang ika-10 panalo matapos ang 13 laro.

ANGEL RAYMUNDO

ANTHONY JOHNSON

BANGKOK COBRAS

BOBBY RAY PARKS SR.

CHULALONGKORN UNIVERSITY

DONALD LITTLE

KUALA LUMPUR

NAKEIA MILLER

PATRICK CABAHUG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with