Dalagita sinakal, binasag ang mukha
Bangkay itinapon sa tulay…
MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang naging kamatayan ng isang 15-anyos na dalagitang estudyante na napaulat na ilang araw na nawawala matapos ang bangkay nito ay natagpuan sa ilog sa ilalim ng tulay ng Fatima, Brgy. Fatima 1, Dasmariñas City, Cavite, nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Angie”, residente ng nasabing barangay.
Isang alyas “Christian” ang tinutugis ng pulisya matapos na makita na ilang saksi na ito ang huling kasama ng biktima bago ito naiulat na nawawala at natagpuang patay.
Sa imbestigasyon ng Dasmariñas City Police, alas-7:20 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa may ilog ng ilalim ng tulay na nakabalot sa isang tarpaulin.
Nakita sa leeg ng biktima ang bakas na ito ay pinatay sa sakal gamit ang tela at ang mukha nito ay nawasak na posibleng hinataw ng matigas ng bagay at pagkatapos ay ibinalot sa tarpaulin bago itinapon sa ilog.
Sa record ng pulisya na ang hinahanap nilang suspek ay mayroong mga kaso sa pulisya tulad ng alarm and scandal, disobedience, at illegal drugs.
- Latest