^

PSN Palaro

Magkakasukatan ng lakas

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Magkakasukatan uli ang itinuturing bilang da­lawang malalakas na kopo­nan na Westports Malaysia Dragons at AirAsia Philippine Patriots sa pagbabalik aksyon ngayon ng AirAsia ASEAN Basketball League ngayon sa MABA Gym, Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito na ang ikatlo at hu­ling road game ng Patriots at nais nilang wakasan ito gamit ang 3-0 karta sa la­bang itinakda sa ganap na alas-4 ng hapon.

Unang kinalos ng Patriots ang Indonesia Warriors, 72-68, noong Marso 10 bago isinunod ang Saigon Heat, 73-57, noong na­karaang Miyerkules.

Hindi naglaro si Anthony Johnson at Ardy Larong sa laban kontra Heat pero nakakuha ang tropang pag-aari nina Mikee Romero ng Harbour Centre at Tony Boy Cojuangco ng solidong numero sa mga locals sa pangunguna ni Francis Adriano upang mapanatili ang kapit sa liderato sa 9-2 baraha.

Si Adriano ay mayroong 15 puntos habang sina Al­drech Ramos at Nakiea Miller ay may 11 at 10 puntos.

Ang pagbabalik ni Johnson na naghahatid ng 21.2 puntos ay magandang balita sa tropa ni coach Glenn Capacio lalo pa’t ang Dragons ay tiyak na hahataw upang maipaghiganti ang 72-86 pagkatalo sa Patriots sa unang tagisan.

Hanap din ng home team na maibangon ang sarili sa tinamong 81-85 ka­bi­guan sa Bangkok Cobras noong Miyerkules.

ANTHONY JOHNSON

ARDY LARONG

BANGKOK COBRAS

BASKETBALL LEAGUE

FRANCIS ADRIANO

GLENN CAPACIO

HARBOUR CENTRE

KUALA LUMPUR

MIKEE ROMERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with