Johnson, 4 pa sinuspindi ng ABL
MANILA, Philippines - Pinagbayad ng pamunuan ng ASEAN Basketball League (ABL) ang mga manlalarong nagsapakan sa idinaos na AirAsia Philippine Patriots at San Miguel Beermen noong nakaraang Linggo sa The Arena sa San Juan City.
Mas mabigat ang inabot ng Patriots dahil tatlong manlalaro na sina import Anthony Johnson, Eric Rodriguez at Ardy Larong ang mga suspindido at pinagmulata pa habang sina Aries Dimaunahan at Jun Jun Cabatu ay may ganito ring kaparusahan sa Beermen.
Matatandaan na napatalsik sa laro sina Johnson at Dimaunahan nang sakalin ng una ang huli habang gumanti ng suntok ang Beermen sa Patriots import nang paghiwalayin.
Ang aksyon ni Johnson ay matapos hatawin siya ni Dimaunahan habang nagtatangka ng isang lay-up.
Sina Rodriguez at Cabatu ay nasuspindi nang nakita ang masamang inasal matapos magsuguran ang mga manlalaro sa magkabilang panig habang si Larong ay pinatawan ng suspensyon sa inasal matapos mabigyan ng unsportsmanlike foul sa naunang yugto ng bakbakan.
Ang mga nasuspindi ay makakapag- laro pa sa kanilang mga koponan sa pagharap sa hiwalay na laro sa Sabado dahil epektibo ang kaparusahan sa sunod nilang laro sa susunod na linggo.
- Latest
- Trending