^

PSN Palaro

Orcollo aminado, 'di pa ka-level sina Reyes, Bustamante

-

MANILA, Philippines - Hindi pa ikinokonsidera ni Dennis Orcollo ang sa­rili na kahanay sina Efren Re­­yes at Francisco Bustamante.

“Hindi pa,” wika ni Orcollo nang tanungin kung dapat na siyang ilinya sa dalawang tinitingala ng bansa kung paglalaro ng bilyar ang pag-uusapan.

“Sila Efren at Dyango matatag pa rin kahit may edad na. Talagang matibay pa at malaking bagay na naririyan pa sila dahil inspirasyon namin sila at lumalakas ang loob namin pag kasama sila sa tournament,” dagdag pa ni Orcollo.

Kinuha ni Orcollo ang ika­lawang Athlete of the Year award nang para­ngalan siya nito sa idinaos na Philippine Sportswriters Association Annual Awards Night noong Sabado ng gabi sa Manila Hotel.

Sina Vice President Jejomar Binay kasama ni PSA President Rey Bancod ang naggawad sa kanya ng pres­tihiyosong tropeo sa gabi ng parangal.

“Talagang malaking kara­ngalan na ako na naman ang mahirang na Athlete of the Year. Siyempre, masayang-masaya tayo dahil alam ko lahat ng atleta ay pinapangarap na manalo nito,” ani pa ng pool player na hinirang bilang number one player ng WPA noong nakaraang taon.

Ang ikalawang tropeo sa PSA ay magtutulak kay Orcollo upang magpursigi pa sa pagbibigay ng kara­ngalan sa mga lalahukan niyang malalaking kompetisyon.

Hindi naging maganda ang simula ng 2012 kay Orcollo dahil nabigo siyang depensahan ang World 8-ball crown pero marami pang nakalinya at doon siya babawi. 

ATHLETE OF THE YEAR

DENNIS ORCOLLO

EFREN RE

FRANCISCO BUSTAMANTE

MANILA HOTEL

ORCOLLO

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION ANNUAL AWARDS NIGHT

PRESIDENT REY BANCOD

SHY

SILA EFREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with