Sacramento sumadsad sa Clippers
SACRAMENTO, Calif. --Nagposte si Chris Paul ng 22 points at 9 assists, habang may 14 points at 9 rebounds si Blake Griffin upang igiya ang Los Angeles Clippers sa 108-100 tagumpay laban sa Sacramento Kings.
Nagtayo ang Clippers ng isang 19-point lead sa fourth quarter at hindi na nilingon pa ang Kings.
Nagsalpak si Mo Williams ng 4-for-4 shooting sa 3-point line sa fourth quarter upang tumapos na may 18 points para sa Clippers, natalo sa tatlo sa kanilang huling apat na laro.
Makakalaban ng Clippers ang Phoenix Suns sa Sabado.
Naitabla ng Sacramento ang laro sa halftime ngunit naiwanan sa second half.
Nagposte si DeMarcus Cousins ng 23 points at 10 rebounds para sa Kings, nanggaling sa dalawang sunod na panalo, habang may 18 points si Tyreke Evans.
Nagsalpak si Griffin ng dalawang dunk kasama dito ang isang tomahawk slam-- at binuska ni Paul ang Kings bench matapos ang kanyang pull-up jumper para ibigay sa Clippers ang 83-72 lamang sa third quarter.
- Latest
- Trending















