Matindi Talaga

NEW YORK - Umupo si Jeremy Lin sa bench sa third quarter katabi ang may injury na si Carmelo An­thony at nakipagtawanan sa NBA All-Star.

“We were just having fun and kind of talking about how we’re both excited for when he comes back,” wi­ka ni Lin.

Nagposte ang Taiwa­ne­se-American ng career-best 13 assists bukod pa sa kanyang 10 points para igiya ang New York Knicks sa 100-85 panalo laban sa Sacramento Kings.

Ito ang pang pitong sunod na panalo ng Knicks mu­la sa pangunguna ng 6-foot-3 na si Lin.

Nagdagdag si Landry Fields ng 15 points at 10 re­bounds.

Sa iba pang laro, tinalo ng Orlando ang Philadelphia, 103-87; binigo ng San Antonio ang Toronto, 113-106; giniba ng Cleveland ang Indiana, 98-87; dinaig ng Memphis ang New Jersey, 105-100; pinayukod ng Detroit ang Boston, 98-88; pinahiya ng New Orleans ang Milwaukee, 92-89; ginitla ng Minnesota ang Char­lotte, 102-90; isinalya ng Houston ang Oklahoma Ci­ty, 96-95; kinaldag ng Dal­las ang Denver, 102-84; pinatid ng Atlanta ang Phoenix, 101-99; sinibak ng Portland ang Golden State, 93-91; at ginapi ng LA Clippers ang Washington, 102-84.

Show comments