^

PSN Palaro

Kampo ni Casimero tinawanan lang ng FAB prexy

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Tinawanan lamang ni Federación Argentina de Boxeo (FAB) president Osvaldo Bisbal ang plano ng kampo ni Filipino light fly­weight Johnriel Casi­me­ro na magsampa ng rek­lamo sa International Bo­xing Federation (IBF) ukol sa pagkuyog sa kanila ng mga Argentinian fans noong Biyernes ng gabi sa Club Once Unidos sa Mar del Plata, Argentina.

“We laugh at the sanctions of the International sanctioning bodies they have no type of authority to do so,” wika ni Bisbal.

Matapos talunin si Luis Lazarte via tenth-round TKO para sa bakanteng IBF inte­rim light flyweight crown, sinugod ng mga Argenti­nians ang grupo ni Casimero kung saan sila pinagsusuntok, pinagsisipa at pinagbabato ng mga silya.

Plano ni Sampson Lew­kowicz, ang American-based promoter ng 21-anyos na si Casimero, na magsampa ng reklamo sa IBF laban sa 40-anyos na si Lazarte na dalawang beses kinagat ang tubong Ormoc City sa laban.

Wala namang nakita si Bisbal na may dapat parusahan sa nangyari.

“According to what I saw, I can’t find anyone to punish. Who you want to punish? The boxer? The promoter? They complied with everything. The Once Unidos Stadium had nothing to do with it. There is no one to punish,” ani Bisbal.

Tinalo ni Casimero, may 16-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 10 KOs, si Lazarte (49-11-2, 18 KOs), isang dating one-time IBF light flyweight title holder, para kunin ang bakanteng interim IBFlight flyweight title.

BISBAL

CASIMERO

CLUB ONCE UNIDOS

INTERNATIONAL BO

JOHNRIEL CASI

LAZARTE

LUIS LAZARTE

ONCE UNIDOS STADIUM

ORMOC CITY

OSVALDO BISBAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with