West nagbida sa double overtime win ng Mavericks sa Blazers
DALLAS — Sinunod ni Delonte West ang sinabi sa kanya ni Jason Kidd para matulungan ang Dallas Mavericks.
Si West ang umiskor ng unang anim na puntos ng Dallas sa second overtime patungo sa kanilang 97-94 panalo laban sa Portland Trail Blazers.
Nagposte naman sina Dirk Nowitzki at Jason Terry ng 20 at 19 points, ayon sa pagkakasunod, para banderahan ang Mavericks, habang nag-ambag si Shawn Marion ng 14 points at 12 rebounds .
“J-Kidd told me to go out there and be aggressive because of the way they were playing Dirk,” sabi ni West, tumapos na may 10 points. “I sparked my team right there.”
Binuksan ni West ang ikalawang overtime mula sa kanyang 11-footer kasunod ang kanyang dalawang mid-range jumpers para ibigay sa Dallas ang 93-89 lamang laban sa Portland sa huling 2:55 ng laro.
Pinangunahan naman ni LaMarcus Aldridge ang Trail Blazers mula sa kanyang 33 points.
Nakatabla ang Trail Blazers sa 93-93 sa huling 1:43 ng laro. Ngunit ang tip-in ni Brendan Haywood sa natitirang 45 segundo ang nag-angat muli sa Dallas sa 95-93.
Sa iba pang laro, tinalo ng LA Clippers ang Charlotte, 111-86; binigo ng Denver ang Indiana, 113-109; pinayukod ng Philadelphia ang Cleveland, 99-84; dinaig ng New York ang Minnesota, 100-98; isinalya ng San Antonio ang New Jersey, 103-89; kinaldag ng Orlando ang Milwaukee, 99-94; at giniba ng Phoenix ang Sacramento, 98-84.
- Latest
- Trending