^

PSN Palaro

Football suportado na ng PAGCOR

-

MANILA, Philippines - Pinatatag ang prog­rama sa grassroots ng Phi­lippine Football Fede­ration (PFF) sa pagpasok ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang isa sa ka­nilang sponsor.

Halagang P20 milyon ang pakakawalang pera ng PAGCOR para itulong sa programang ito ng PFF na isasakop sa pagbabalik ng Kasibulan program na ilulunsad ngayon sa Ca­lamba, Laguna.

Kagabi sa New World Hotel sa Makati City ay pi­nagtibay ang pagtutulu­ngan ng dalawa sa paglagda sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng PAGCOR na kinatawan ni chairman Cristino Naguiat, Jr. at PFF president Mariano Araneta.

“Pinasasalamatan na­min ang PAGCOR sa ka­ni­lang pagtulong sa aming grassroots program at ang ka­nilang ibinigay ay ma­la­ki ang maitutulong sa pag­tuklas ng mga batang ma­hihilig sa sport na ito,” wi­ka ni Araneta.

Ito ang unang tambalan ng magkabilang panig sa proyekto ng PFF pero no­ong nakaraang taon nag­simula ang magandang pagtitinginan dahil nag­bigay ang PAGCOR ng P2 milyon para itulong sa paghahanda ng Philippine Azkals.

ARANETA

CRISTINO NAGUIAT

FOOTBALL FEDE

MAKATI CITY

MARIANO ARANETA

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NEW WORLD HOTEL

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

PHILIPPINE AZKALS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with