^

PSN Palaro

Patriots pinulutan ang Dragons

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Gumana agad ang opensa ng AirAsia Philippine Patriots upang iwanan ang Westports Ma­laysia Dragons para sa madaling 86-72 panalo sa pagpapatuloy ng 3rd AirAsia ASEAN Basketball League kagabi sa Yñares Sports Center sa Pasig C­ity.

Humataw muli ang mga inaasahang manlalaro ng Pa­triots na sina Anthony Johnson, Nakeia Miller at Al Vergara nang tumapos taglay ang mga double-double outputs para sungkitin ng Patriots ang ikaapat na panalo sa limang laro.

Si Johnson ay mayro­ong 27 puntos at 12 rebounds, si Miller ay may 21 puntos at 15 boards, habang si Vergara ay may 12 puntos at 12 assists at ang Patriots ay may tatlong dikit na panalo upang magkaroon ng momentum papasok sa dalawang road games na kanilang ha­harapin sa sunod na da­lawang linggo.

"Ang key rito ay ang depensa ni Johnson kay Tiras (Wade) na nalimitahan sa kanyang output. Maganda rin ang inilaro ni Al at ang iba pang mga locals lalo na sa depensa," wika ni Pat­riots’ head coach Glenn Ca­pacio.

Si Wade na naghahatid ng 24.5 puntos sa naunang apat na laro ay mayroon lamang 16 puntos sa 7-of-15 shooting.

Karamihan sa kanyang ginawa ay ma­tapos lumayo ng hanggang 31 puntos, 65-34, ang Patriots na mula sa tres ni Johnson.

Samantala, nakabawi na­man ang San Miguel Beer­men sa pagkatalong na­lasap sa Singapore Slingers nang gulpihin ang Bangkok Cobras, 94-59, no­ong Sabado sa nasabi ring venue.

Ang mga locals na sina Leo Avenido, RJ Rizada at Kelvin Dela Peña ay nagsanib ng 38 puntos upang magkaroon ng magandang suporta ang kanilang mga imports na sina Doug Tho­mas at Dalron Johnson at ang tropa ni coach Bobby Parks ay mayroong 3-2 ba­­raha ngayon.

AL VERGARA

ANTHONY JOHNSON

BANGKOK COBRAS

BASKETBALL LEAGUE

BOBBY PARKS

DALRON JOHNSON

DOUG THO

GLENN CA

KELVIN DELA PE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with