Adamson, UP kumapit pa

MANILA, Philippines - Pinahigpit pa ng reigning titlist Adam­son University at University of the Philippines (UP) ang kanilang kapit sa 1-2 position sa UAAP Season 74 softball matapos na kumana ng panalo sa kani-kanilang kalaban kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Binugbog ng Adamson ang De La Salle, 11-0, habang ginapi naman ng UP ang Ateneo, 8-3.

Ang panalo ng Lady Falcons ang patuloy na nag-angat sa kanilang karta sa 6-0, habang inilista naman ng Lady Maroons ang kanilang ikalimang panalo sa anim na asignatura.

Sa men’s tennis sa kalapit na Rizal Memorial tennis Centre, hiniya ng De La Salle ang Ateneo, 4-1 sa panimula ng second round eliminations at palawigin ang kanilang winning streak sa anim na dikit.

Show comments