^

PSN Palaro

Freego Jeans nakauna sa finals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Isinalpak ni Eric Camson ang dalawang mahahalagang freethrows sa huling 3.7 segundo bago pinagmasdan ng Freego Jeans na makahulagpos ang breaks na nakuha ng Cebuana Lhuillier upang makapasok ito sa PBA D-League Aspirants’ Cup Finals gamit ang 69-67 overtime panalo kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naisantabi ng Jeans Makers ang pagkawala ng walong puntos kalama­ngan sa huling yugto (59-51) nang mas kakitaan ng solidong laro sa extension para makapasok sa championship round sa unang pagkakataon sa dalawang conference na paglalaro sa liga.

Matapos ang free throws ni Camson para sa 68-66 kalamangan ay nagkaroon ng pagkakataon si Pari Llagas na maitabla uli ang iskor sa foul ni Camson ngunit split lamang ang kanyang nagawa.

Nagkaroon pa ng pagkakataon ang Gems na ma­ihirit ng panalo nang su­mablay sa dalawang buslo sa 15-footline si Bacon Austria.

Sumugal sa technical foul si Terrence Romeo nang tumawag ito ng timeout gayong wala na silang natitira pero nagamit ito ng Gems para makapaglatag ng isang play.

Ngunit matapos ang technical free throw ni Lester Alvarez ay napalakas ang pasa para kay Vic Manuel tungo sa turnover at pagtatapos ng kampanya ng Gems na pumanga­lawa sa elimination round.

Kailangang maghintay naman ng Freego Jeans ng makakalaban sa best- -of-three finals dahil nakahirit ang nagdedepensang NLEX ng game three laban sa Big Chill sa pamamagitan ng 69-62 tagumpay sa unang laro.

Isang 13-5 palitan na pinagtulungan nina RR Gar­cia at Ian Sangalang ang pinakawalan ng Road Warriors upang bale­walain ang pagkawala ng 24 puntos kalamangan at ang pag-agaw pa ng Superchargers ng bentahe, 56-57, upang maitabla ang best-of-three semis series sa 1-1.

vuukle comment

BIG CHILL

CAMSON

CEBUANA LHUILLIER

CUP FINALS

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERIC CAMSON

FREEGO JEANS

IAN SANGALANG

JEANS MAKERS

LESTER ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with