Tim Duncan isinalba ang Spurs kontra sa Hornets

NEW ORLEANS — Isi­nalpak ni Tim Duncan ang isang running hook shot sa hu­ling 1. 4 segundo para ilusot ang San Antonio Spurs la­ban sa New Orleans Hornets, 104-102.

Naalala tuloy ni Tony Par­ker ang maalamat na si Ka­reem Abdul-Jabbar mula sa naturang tira ni Duncan.

“It was a mix of Kareem Ab­dul-Jabbar and Magic Johnson—a kind of sky-hook, and we’ll take it,” ani Par­ker sa nasabing 13-foot ga­me-winner ni Duncan kon­tra kay Hornets center Eme­ka Okafor.

Tumapos si Duncan na may season-high 28-points pa­ra sa San Antonio kasa­bay ng pagpapalasap sa New Orleans ng pang wa­long sunod nitong kabiguan.

Nagdagdag si Parker ng 20 points at career-high 17 assists para sa Spurs ka­sunod ang 14 points ni Ri­chard Jefferson at 12 ni Tiago Splitter.

Pinamunuan ni Jarrett Jack ang Hornets sa kanyang 26 points at 9 assists.

Nag-ambag naman sina Trevor Ariza at Landry ng tig-18 points.

Sa iba pang laro, binigo ng Philadelphia ang Wa­shington, 103-83; dinaig ng Boston ang Orlando, 87-56; giniba ng Oklahoma City ang Detroit, 99-79; iginupo ng Houston ang Minneso­ta, 107-92; pinayukod ng Chi­cago ang New Jersey, 110-95; hiniya ng Atlanta ang Milwaukee, 97-92; gi­nitla ng Dallas ang Phoenix, 93-87; pinasadsad ng Portland ang Sacramento, 101-89; at tinakasan naman ng Memphis ang Golden State, 91-90.

Show comments