^

PSN Palaro

Arum ayaw pakawalan si Miguel Cotto

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Para lamang hindi uma­lis sa kanyang Top Rank Promotions si Miguel Cot­to ay handang ialok ni Bob Arum sina Manny Pac­quiao at Julio Cesar Cha­vez, Jr.

Gusto rin ng 80-anyos na promoter na mailayo si Cotto kay Floyd Maywea­ther, Jr.

"We are nowhere near a final agreement for a re­­match," sabi ni Arum ka­hapon sa kanyang pakiki­pag-usap kay Cotto at sa ad­viser nitong si Gaby Pe­nagaricano. "I want to meet with Miguel and Gaby to explore several options and Pacquiao is one of them."

Kamakalawa ay ibinunyag ni Penagaricano na ikinukunsidera ni Cotto, nagtapos ang kontrata sa Top Rank noong Disyembre, na labanan sinuman kina Pacquiao at Mayweather.

Sa Mayo 5 lamang gustong lumaban ng 34-anyos na si Mayweather, habang sa Hunyo 9 naman itinakda ni Arum ang pagbabalik sa boxing ring ng 33-anyos na si Pacquiao.

Handa ring itapat ni Arum kay Cotto si Chavez sa­­kaling umatras ito sa re­match kay Pacquiao.

“If Chavez, Jr. wins his fight on February 4 against Antonio Rubio, could be a possibility,” wika ni Arum sa Cotto-Chavez fight. “Cotto wants to fight Cha­vez. He said it on more than one ocassion.”   

Tinalo ni Pacquiao si Cot­to via 12th-round TKO no­ong Nobyembre ng 20­09 para agawin ng Fi­li­pino world eight-division champion ang hawak na WBO welterweight crown ng Puerto Rican .

Ang 31-anyos na si Cotto ang kasalukuyang WBA junior middleweight beltholder at nasa isang three-fight winning streak matapos matalo kay Pacquiao.

ANTONIO RUBIO

BOB ARUM

COTTO

FLOYD MAYWEA

GABY PE

IF CHAVEZ

JULIO CESAR CHA

MANNY PAC

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with